本文
Mga patakaran sa trapiko / 交通ルール
Mga patakaran sa trapiko sa Japan
Sa Japan, “ang mga sasakyan ay dumadaan sa kaliwang gilid at ang mga tao ay dumadaan sa kanang gilid”.
Ang mga bisikleta ay isang uri ng sasakyan kaya dapat dumaan ang mga ito sa kaliwang gilid. Tumakbo sa kaliwang gilid.
Siguraduhing sundin ang mga patakaran sa trapiko tulad ng mga traffic lights at traffic signs.
Kapag liliko sa kanan sa intersection sakay ang bisikleta, tumawid sa crosswalk kasama ang mga pedestrian.
Tungkol sa pagpaparehistro ng bisikleta para sa maiwasan ang krimen
Kung kayo ay bumili ng bisikleta, dapat “irehistro ang bisikleta para maiwasan ang krimen”.
Ang pagpaparehistro ng bisikleta para maiwasan ang krimen ay maaaring gawin sa tindahan na may nakalagay na display board na nakasulat “自転車防犯登録所(opisina para sa pagpaparehistro ng bisikleta para maiwasan ang krimen)”.
Website ng Fukushima Crime Prevention Association<外部リンク>
Tungkol sa citizen traffic accident mutual aid
Ang mga nakatira at nakarehistro bilang residente ng Koriyama City ay maaaring mag-enroll sa citizen traffic accident mutual aid.
Kapag kayo ay nag-enroll at kung kayo ay namatay, naospital, o bibisita sa ospital dahil sa aksidente sa trapiko sa Japan, bibigyan kayo ng consolation money.
Ang membership fee ay 500 yen kada tao sa 1 taon.
Maaari kayong mag-apply sa mga Safe Community Division sa Koriyama City Hall, bawat mga Administration Center, o bawat mga Service Center.
Depende sa neighborhood association, maaari kayong mag-apply sa pamamagitan ng neighborhood association.
【Para sa mga katanungan】
Safe Community Division, Citizens Department
1-23-7 Asahi, Koriyama City, Fukushima Prefecture 963-8601
Numero ng Telepono:024-924-2151